MAYNILA, Pilipinas – Talamak ngayon ang disimpormasyon tungkol sa pag-aresto kay dating pangulo Rodrigo Duterte, ang kanyang anti-drugs campaign, at ang International Criminal Court. Siguradong may kakilala kang naniniwala sa maling impormasyon at propaganda tungkol dito.
Paano ba pag-usapan ang napaka sensitibong topic na ito?
Narito ang tatlong payo para mas maging makabuluhan ang mga pag-uusap tungkol sa disimpormasyon. Hango ito sa karanasan ng Rappler at ng fact-checking coalition #FactsFirstPH sa pagsulat ng mga fact-check at pakikipag-usap sa mga taong may iba’t ibang pananaw tungkol sa politika at balita.
Basahin dito ang lahat ng fact-checks na ginawa ng Rappler.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Be The Good newsletter ni Rappler community lead Pia Ranada. – Rappler.com