MANILA, Philippines – Ipinamamahagi na ng Commission on Elections (Comelec) ang Voter’s Information Sheet o VIS sa mga botante ng paparating na halalan.
Bawat isa sa higit 68 milyong rehistradong botante ay makatatanggap nito. Nakaimprenta sa VIS ang pangalan at tirahan ng botante, ang lugar at oras ng pagboto, at mga hakbang ng pagboto.
Nakalagay din ang lahat ng kandidatong pagpipilian ng botante, mula lokal hanggang senador at party-list representative.
Pinangunahan ng Comelec ang pamamahagi ng VIS sa isang barangay sa Pasay City noong Miyerkules, Abril 2. Panoorin ang report ni Rappler multimedia report Michelle Abad tungkol dito. – Rappler.com
Reporter: Michelle Abad
Production specialist: Leone Requilman
Editor: Jaene Zaplan
Producer: JC Gotinga
Supervising producer: Beth Frondoso